2 Mga Taga-Corinto 5:1-3 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Alam nating kapag nasira na ang toldang tinatahanan natin ngayon, na tumutukoy sa ating katawang-lupa, tayo'y may tahanan sa langit na hindi kailanman masisira, isang tahanang ginawa ng Diyos, at hindi ng tao.

2. Dumaraing tayo habang tayo'y nasa katawang ito, at labis na nananabik sa ating tahanang makalangit,

3. upang kung mabihisan na tayo nito ay hindi tayo matagpuang hubad.

2 Mga Taga-Corinto 5