5. Palagay ko nama'y hindi ako pahuhuli sa magagaling na mga “apostol” na iyan.
6. Maaaring hindi ako mahusay magsalita, ngunit hindi naman kapos sa kaalaman. Pinatunayan ko ito sa inyo sa lahat ng pagkakataon.
7. Ipinangaral ko sa inyo ang Magandang Balita ngunit hindi ako humingi ng kabayaran. Ako'y nagpakababá upang maitaas kayo. Masasabi bang kasalanan ang ginawa kong ito?