2 Mga Taga-Corinto 11:28-32 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

28. Bukod sa lahat ng iyan ay inaalala ko pa araw-araw ang mga iglesya.

29. Kung may nanghihina, karamay nila ako, at kung may nahuhulog sa pagkakasala, labis na naghihirap ang aking kalooban.

30. Kung kailangang ako'y magyabang, ang ipagyayabang ko'y ang aking mga kahinaan.

31. Hindi ako nagsisinungaling. Iya'y alam ng Diyos at Ama ng Panginoong Jesus. Purihin siya magpakailanman!

32. Nang ako'y nasa Damasco, ang pintuan ng lunsod ay pinabantayan ng gobernador na nasasakop ni Haring Aretas upang ipahuli ako.

2 Mga Taga-Corinto 11