2 Mga Taga-Corinto 11:17-22 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

17. Ang sinasabi ko sa pagmamalaking ito ay hindi buhat sa Panginoon kundi pagyayabang ng isang hangal.

18. Dahil marami ang nagyayabang tungkol sa mga bagay na makalupa, ako man ay magyayabang din.

19. Nagtitiyaga kayo sa mga hangal na iyan, palibhasa'y matatalino kayo!

20. Pinapagtiisan ninyong kayo'y alipinin, sakmalin, pagsamantalahan, maliitin, o sampalin.

21. Kahiya-hiya man ay aaminin kong hindi namin kayang gawin iyan!Kung may nakapagyayabang, ako'y makapagyayabang din at ako'y nakapagsasalita tulad ng isang hangal.

22. Sila ba'y Hebreo? Ako man ay Hebreo rin. Mga Israelita ba sila? Ako rin ay isang Israelita. Ninuno ba nila si Abraham? Ako'y ganoon din.

2 Mga Taga-Corinto 11