1. Akong si Pablo, na ang sabi ng ilan ay mapagpakumbabá at mabait kapag kaharap ninyo ngunit matapang kapag malayo, ay nakikiusap sa inyo, alang-alang sa kababaang-loob at kabutihan ni Cristo.
2. Ipinapakiusap kong huwag ninyo akong piliting magsalita nang mabigat, pagdating ko riyan, dahil kaya kong gawin iyon sa mga nagsasabing kami'y namumuhay ayon sa pamamaraan ng mundong ito.