2 Mga Hari 25:28-30 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

28. Mabuti ang pakikitungo ni Evil-merodac kay Jehoiakin, at pinarangalan siya nito nang higit sa ibang haring bihag din sa Babilonia.

29. Hinubad ni Jehoiakin ang kasuotan niya bilang isang bihag. At hanggang sa siya'y mamatay, araw-araw, kasalo siya ng hari sa hapag kainan.

30. Habang siya'y nabubuhay, binigyan siya ng hari ng kanyang araw-araw na pangangailangan.

2 Mga Hari 25