21. Ito naman ang sinasabi ni Yahweh tungkol kay Senaquerib:‘Pinagtatawanan ka, Senaquerib, ng anak ng Zion;kinukutya ka at nililibak!Inaalipusta ka ng lunsod ng Jerusalem.
22. “‘Sino ba ang iyong nilalait at pinagtatawanan,at hinahamak ng iyong pagsigaw?Hindi mo na ako iginalang,ang Banal na Diyos ng Israel!
23. Ang paghamak mo kay Yahweh ay ipinahayag ng iyong mga sugo.Ang ipinagmamalaki mo'y maraming karwahe,na kayang akyatin ang matataas na bundok ng Lebanon.Pinagpuputol mo ang malalaking sedarat mga piling sipres doon;napasok mo rin ang liblib na lugar,makapal na gubat ay iyong ginalugad.
24. Humukay ka ng maraming balon,tubig ng dayuhan ay iyong ininom.Ang lahat ng batis sa bansang Egiptoay pawang natuyo nang matapakan mo.
25. “‘Tila hindi mo pa nababalitaanang aking balak noon pa mang araw?Ang lahat ng iyon ngayo'y nagaganapmatitibay na lunsod na napapaligiran ng pader,napabagsak mong lahat at ngayo'y bunton ng pagkawasak.
26. Ang mga nakatira sa mga nasabing bayan,pawang napahiya at ang lakas ay naparam.Ang kanilang katulad at kabagayay halamang lanta na sumusupling pa lamang,natuyong damo sa ibabaw ng bubong.
27. “‘Lahat ng ginagawa mo'y aking nalalaman,ang pinagmulan mo at patutunguhan.Hindi na rin lingid ang iyong isipan,alam kong sa akin ika'y nasusuklam.
28. Dahil sa matinding poot mo sa akin,at kahambugan mong sa aki'y di lihim,ang ilong mong iya'y aking tatalianat ang iyong bibig, aking bubusalan,ibabalik kita sa iyong pinagmulan.’”
29. Sinabi ni Isaias, “Haring Ezequias, ito ay magiging isang palatandaan para sa iyo: Sa taóng ito, ang kakainin mo'y bunga ng mga supling ng pinag-anihan. At sa susunod na taon ay mga bunga rin noon. Ngunit sa ikatlong taon, maghasik kayo at mag-ani, magtanim ng ubas at kainin ang mga bunga niyon.
30. At ang mga natirang buháy sa sambahayan ni Juda, ay muling dadami, mag-uugat at mamumunga nang sagana.
31. May makakaligtas sa Jerusalem, may matitirang buháy sa Zion. Sapagkat ito ang gustong mangyari ni Yahweh.”
32. Ito naman ang sinasabi ni Yahweh tungkol sa hari ng Asiria: “Hindi siya makakapasok sa lunsod na ito ni makakatudla kahit isang palaso. Hindi niya ito malulusob ni mapapaligiran.
33. Kung paano siya dumating, ganoon din siya aalis. Hindi niya masasakop ang lunsod na ito.
34. Ipagtatanggol ko at ililigtas ang lunsod na ito alang-alang sa aking karangalan at alang-alang sa aking pangako kay David na aking lingkod.”
35. Nang gabing iyon, pinasok ng anghel ni Yahweh ang kampo ng mga taga-Asiria at 185,000 kawal ang pinatay nito. Kinabukasan, nang bumangon ang mga hindi napatay, nakita nilang naghambalang ang mga bangkay.
36. Kaya nagmamadaling umuwi sa Nineve si Haring Senaquerib.
37. Minsan, nang si Senaquerib ay nananalangin sa templo ng diyos niyang si Nisroc, pinatay siya sa pamamagitan ng tabak ng dalawa niyang anak na sina Adramelec at Sarezer. Pagkatapos, nagtago ang mga ito sa lupain ng Ararat. At si Ezarhadon ang humalili sa kanyang amang si Haring Senaquerib.