2 Mga Cronica 26:2-5 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

2. Sa panahon ng kanyang paghahari, nabawi niya ang lunsod ng Elat at muli itong itinatag para sa Juda.

3. Labing-anim na taóng gulang si Uzias nang maging hari at limampu't dalawang taon siyang naghari sa Jerusalem. Ang ina niya'y si Jecolias na taga-Jerusalem.

4. Si Uzias ay naging kalugud-lugod kay Yahweh tulad ni Amazias.

5. Habang nabubuhay si Zacarias, na nagturo sa kanya na matakot sa Diyos, naglingkod siya nang tapat kay Yahweh, at pinagpapala siya ng Diyos.

2 Mga Cronica 26