2 Mga Cronica 18:7-9 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

7. Sumagot ang hari ng Israel, “Mayroon pang isa. Si Micaias na anak ni Imla. Kaya lang, galit ako sa taong iyon sapagkat wala na siyang mabuting propesiya tungkol sa akin, puro na lang masama.”“Huwag kayong magsalita nang ganyan, mahal na hari,” sabi ni Jehoshafat.

8. Ipinatawag agad ng hari ng Israel ang isa sa mga opisyal niya upang ipasundo si Micaias.

9. Nakaupo ang dalawang hari sa kani-kanilang trono sa gitna ng giikan sa may pintuan ng Samaria. Nakasuot sila ng mariringal na damit at nasa harapan nila ang mga propeta na nagpapahayag.

2 Mga Cronica 18