1 Timoteo 6:1-2 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Ang mga alipin ay dapat magpakita ng buong paggalang sa kanilang mga amo upang walang masabi laban sa pangalan ng Diyos at sa ating mga aral.

2. At kung ang kanila namang amo ay kapwa nila Cristiano, hindi sila dapat magkulang ng paggalang sa mga ito sa dahilang sila'y magkapatid sa pananampalataya. Dapat pa nga nilang pagbutihin ang kanilang paglilingkod sapagkat ang pinaglilingkuran nila'y kaisa sa pananampalataya at pag-ibig.Ituro mo't ipatupad ang mga bagay na ito.

1 Timoteo 6