1 Timoteo 5:1-7 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Huwag mong pagsasalitaan nang marahas ang lalaking nakatatanda sa iyo, kundi paalalahanan mo siya na parang sarili mong ama. Pakitunguhan mo namang parang kapatid ang mga nakababatang lalaki.

2. Ituring mong parang sariling ina ang matatandang babae, at pakitunguhan mo nang buong kalinisan ang mga kabataang babae na parang iyong mga kapatid.

3. Tulungan mo ang mga biyudang walang ikabubuhay.

4. Subalit kung ang isang biyuda ay may mga anak o apo, sila ang unang dapat kumalinga sa kanya bilang pagtanaw ng utang na loob, sapagkat ito ay nakalulugod sa Diyos.

5. Ang tunay na biyuda ay iyong nag-iisa na sa buhay, at tanging sa Diyos lamang umaasa, kaya't patuloy siyang nananalangin sa araw at gabi.

6. Samantala, ang biyudang nabubuhay sa kalayawan ay maituturing nang patay.

7. Ipatupad mo sa kanila ang utos na ito upang walang maisumbat sa kanila ang sinuman.

1 Timoteo 5