1 Timoteo 4:4-7 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

4. Ang lahat ng nilikha ng Diyos ay mabuti at walang dapat ipalagay na masama; sa halip ay dapat tanggaping may pagpapasalamat

5. sapagkat ang mga ito'y nililinis ng salita ng Diyos at ng panalangin.

6. Kung ituturo mo sa mga kapatid ang mga bagay na ito, ikaw ay magiging mabuting lingkod ni Cristo Jesus. Maipapakita mong pinalakas ka ng mga turo tungkol sa pananampalataya at sa mabuting aral na iyong sinusunod.

7. Huwag mong pag-aksayahan ng panahon ang mga alamat na walang halaga; sa halip, pagsumikapan mong maging maka-Diyos.

1 Timoteo 4