15. Pagkasabi nito'y umalis si Samuel at nagpunta sa Gibea, sa lupain ng Benjamin. Tinipon ni Saul ang natira niyang mga tauhan at umabot sa 600.
16. Sina Saul at Jonatan, pati ang kanilang mga tauhan ay nagkampo naman sa Gibea ng Benjamin samantalang nasa Micmas pa rin ang mga Filisteo.
17. Ang mga ito'y nagtatlong pangkat sa pagsalakay sa mga Israelita: ang una'y gumawi sa Ofra, sa lupain ng Sual;
18. ang ikalawa'y sa Beth-horon, at ang pangatlo'y sa kaburulan, sa may hanggahan ng kapatagan ng Zeboim at ng kagubatan.