5. Tulad ng mga batong buháy, maging bahagi kayo ng isang templong espirituwal. Bilang mga paring itinalaga para sa Diyos, mag-alay kayo sa Diyos ng mga handog na espirituwal na kalugud-lugod sa kanya alang-alang kay Jesu-Cristo,
6. sapagkat sinasabi ng kasulatan,“Tingnan ninyo,inilalagay ko sa Zion ang isang batong-panulukan, pinili at mahalaga;hindi mapapahiya ang sinumang sumasampalataya sa kanya.”
7. Kaya nga, mahalaga siya sa inyong mga sumasampalataya sa kanya, ngunit sa mga walang pananampalataya, matutupad ang nasa kasulatan,“Ang batong itinakwil ng mga tagapagtayo ng bahayang siyang naging batong-pundasyon.”
8. At“Batong katitisuran ng mga tao,batong ikadadapa nila.”Natisod sila sapagkat hindi sila sumunod sa salita ng Diyos; ganoon ang nakatakda para sa kanila.