13. Pag-ukulan ninyo sila ng lubos na paggalang at pag-ibig dahil sa kanilang gawain. Mamuhay kayo nang mapayapa.
14. Mga kapatid, ipinapakiusap din namin na inyong pagsabihan ang mga tamad, pasiglahin ang mahihinang-loob, at kalingain ang mga mahihina. Pagtiyagaan ninyo silang lahat.
15. Huwag ninyong paghigantihan ang gumawa sa inyo ng masama; sa halip, magpatuloy kayo sa paggawa ng mabuti sa isa't isa at sa lahat.
16. Magalak kayong lagi,
17. palagi kayong manalangin,
18. at magpasalamat kayo sa Diyos sa lahat ng pagkakataon; sapagkat ito ang kalooban ng Diyos para sa inyo sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus.
19. Huwag na ninyong hadlangan ang Espiritu Santo.
20. Huwag na ninyong bale-walain ang anumang pahayag mula sa Diyos.
21. Suriin ninyo ang lahat ng bagay at gawin ang mabuti.