1. Mula kina Pablo, Silas, at Timoteo—Para sa iglesya sa Tesalonica, ang mga hinirang ng Diyos Ama at ng Panginoong Jesu-Cristo.Sumainyo nawa ang pagpapala at kapayapaan ng Diyos.
2. Lagi kaming nagpapasalamat sa Diyos dahil sa inyo at tuwina'y kasama kayo sa aming mga dalangin.
3. Binabanggit namin sa harapan ng ating Diyos at Ama ang inyong mga gawaing bunga ng inyong pananampalataya, ang inyong mga pagpapagal dahil sa inyong pag-ibig, at ang inyong pagtitiis dahil sa inyong pag-asa sa ating Panginoong Jesu-Cristo.
4. Mga kapatid, nalalaman namin na kayo'y pinili ng Diyos na nagmamahal sa inyo.
5. Ang Magandang Balitang lubos naming pinaniniwalaan ay ipinahayag namin sa inyo hindi lamang sa pamamagitan ng salita, kundi sa pamamagitan din ng kapangyarihan ng Espiritu Santo. Nakita ninyo kung paano kami namuhay sa inyong piling; ito ay ginawa namin alang-alang sa inyo.