4. sa pangalan ng ating Panginoong Jesus. Kapag kayo'y nagtipun-tipon, at ang espiritu ko ay nariyan, sa kapangyarihan ng ating Panginoong Jesus,
5. ibigay ninyo kay Satanas ang taong iyan upang mapahamak ang kanyang katawan, at nang sa gayo'y maligtas ang kanyang espiritu sa araw ng Panginoon.
6. Hindi kayo dapat magmalaki. Hindi ba ninyo alam ang kasabihang, “Napapaalsa ng kaunting pampaalsa ang buong masa”?
7. Alisin ninyo ang lumang pampaalsa, ang kasalanan, upang kayo'y maging malinis. Sa gayon, matutulad kayo sa isang bagong masa na walang pampaalsa, at talaga namang ganyan kayo. Sapagkat naihandog na ang ating Korderong Pampaskwa na walang iba kundi si Cristo.
8. Kaya't ipagdiwang natin ang Paskwa, hindi sa pamamagitan ng tinapay na may lumang pampaalsa na sagisag ng kasamaan at kahalayan, subalit sa pamamagitan ng tinapay na walang pampaalsa, ang tinapay ng kalinisan at katapatan.
9. Sinabi ko sa aking sulat na huwag na kayong makisalamuha pa sa mga nakikiapid.
10. Hindi ang mga makamundong nakikiapid, sakim, magnanakaw, o sumasamba sa diyus-diyosan ang tinutukoy ko, sapagkat para sila'y maiwasan kinakailangan ninyong umalis sa mundong ito.