1 Mga Taga-Corinto 16:21-24 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

21. Ako mismong si Pablo ang sumusulat ng pagbating ito.

22. Sumpain ang sinumang walang pag-ibig sa Panginoon! Marana tha—Dumating ka nawa, Panginoon namin!

23. Sumainyo nawa ang pagpapala ng Panginoong Jesus.

24. Sumainyong lahat ang aking pagmamahal sa pangalan ni Cristo Jesus.

1 Mga Taga-Corinto 16