3. Sapagkat ibinigay ko sa inyo itong pinakamahalagang katuruan na tinanggap ko rin: si Cristo'y namatay dahil sa ating mga kasalanan, bilang katuparan sa sinasabi sa Kasulatan;
4. inilibing siya at muling nabuhay sa ikatlong araw, ayon din sa Kasulatan;
5. at siya'y nagpakita kay Pedro, at saka sa Labindalawa.
6. Pagkatapos, nagpakita siya sa mahigit na limandaang kapatid na nagkakatipon. Marami sa kanila'y buháy pa hanggang ngayon, subalit patay na ang ilan.
7. At nakita rin siya ni Santiago, at ng lahat ng mga apostol.