1 Mga Taga-Corinto 14:7-9 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

7. Maging sa mga instrumentong walang buhay tulad ng plauta at alpa, paanong malalaman ninuman kung ano ang tinutugtog kung hindi malinaw ang tunog ng mga nota?

8. At kung hindi malinaw ang tunog ng trumpeta, sino ang maghahanda sa pakikipaglaban?

9. Gayundin naman, paanong malalaman ninuman ang nais ninyong sabihin kung magsasalita kayo sa pamamagitan ng wikang hindi naman nila nauunawaan? Para kayong nakikipag-usap sa hangin.

1 Mga Taga-Corinto 14