1 Mga Taga-Corinto 11:1-8 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Tularan ninyo ako, gaya ng pagtulad ko kay Cristo.

2. Ipinagmamalaki ko kayo dahil naaalala ninyo ako at sinusunod ninyo ang mga itinuro ko sa inyo.

3. Ngunit nais kong maunawaan ninyo na si Cristo ang nakakasakop sa bawat lalaki, ang lalaki ang nakakasakop sa kanyang asawa, at ang Diyos naman ang nakakasakop kay Cristo.

4. Ang lalaking nananalangin o nagpapahayag ng mensaheng mula sa Diyos nang may takip ang ulo ay nagdudulot ng kahihiyan sa nakakasakop sa kanya.

5. Ang babae namang nananalangin o nagpapahayag ng mensaheng mula sa Diyos nang walang belo ay nagdudulot ng kahihiyan sa nakakasakop sa kanya, para na rin siyang babaing ahít ang ulo.

6. Kung ayaw magbelo ang isang babae, magpaahit na siya ng buhok. Yamang kahiya-hiya sa babae ang magpaahit o magpagupit ng buhok, dapat siyang magbelo.

7. Hindi dapat magbelo ang lalaki dahil siya'y larawan at karangalan ng Diyos. Ngunit ang babae ay karangalan ng lalaki,

8. sapagkat hindi mula sa babae ang lalaki, kundi ang babae ay nagmula sa lalaki.

1 Mga Taga-Corinto 11