27. Nang marinig ni Ahab ang mga sinabi ng propeta, pinunit niya ang kanyang damit, nagsuot ng damit-panluksa kahit sa pagtulog. Nag-ayuno siya bilang tanda ng malaking kalungkutan.
28. Kaya't sinabi ni Yahweh kay Elias,
29. “Napansin mo ba kung paano nagpapakumbabá sa harapan ko si Ahab? Sapagkat nagpapakumbabá siya, hindi ko itutuloy ang parusa sa kanya habang siya'y nabubuhay. Ngunit pagkamatay niya, paparusahan ko ang kanyang angkan.”