1 Mga Hari 21:14-18 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

14. Nagpasabi naman agad sila kay Jezebel, “Patay na po si Nabot na taga-Jezreel.”

15. Pagkatanggap ng ganoong balita, nagpunta si Jezebel kay Ahab at sinabi, “Hayan! Kunin mo na ang ubasang hindi mo mabili kay Nabot. Hindi na siya makakatutol. Patay na siya.”

16. Nang malaman ni Ahab na patay na si Nabot, pumunta siya sa ubasan upang angkinin iyon.

17. Sinabi ni Yahweh kay Elias na taga-Tisbe,

18. “Puntahan mo agad si Haring Ahab sa Samaria. Makikita mo siya sa ubasan ni Nabot. Naroon siya upang kamkamin iyon.

1 Mga Hari 21