1 Mga Hari 2:1-3 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Nang malapit nang mamatay si David, pinagbilinan niya si Solomon ng ganito:

2. “Malapit na akong mamatay. Magpakatatag ka at lakasan mo ang iyong loob.

3. Tuparin mo ang iyong tungkulin kay Yahweh na iyong Diyos, at mamuhay ka ayon sa kanyang kalooban. Sundin mo ang kanyang mga batas, utos, hatol at tuntunin ayon sa nakasulat sa Kautusan ni Moises. Sa gayon, magtatagumpay ka sa lahat mong gawain,

1 Mga Hari 2