1 Mga Hari 18:1-3 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Pagkalipas ng ilang panahon, nang ikatlong taon na ng tagtuyot, sinabi ni Yahweh kay Elias, “Pumunta ka na kay Ahab. Malapit na akong magpadala ng ulan sa lupaing ito.”

2. At nagpunta nga si Elias kay Ahab.Napakatindi noon ng taggutom sa Samaria,

3. kaya ipinatawag ni Ahab si Obadias, ang tagapangasiwa ng palasyo. Si Obadias ay may takot kay Yahweh.

1 Mga Hari 18