1 Mga Cronica 8:38-40 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

38. Anim ang anak ni Azel, sina Azrikam, Bocru, Ismael, Searias, Obadias at Hanan.

39. Si Esec na kapatid ni Azel ay may mga anak din. Ang panganay niya ay si Ulam at ang mga sumunod ay sina Jeus at Elifelet.

40. Ang mga anak ni Ulam ay magigiting na mandirigma at mahuhusay gumamit ng pana. Ang mga anak at apo niya'y umaabot sa 150. Lahat sila'y buhat sa lipi ni Benjamin.

1 Mga Cronica 8