3. Ang mga anak naman ni Bela ay sina Adar, Gera, Abihud,
4. Abisua, Naaman, Ahoa,
5. Gera, Sefufan at Huram.
6. Ang mga anak naman ni Ehud ang ginawang pinuno ng mga angkang naninirahan sa Geba. Ngunit napilitang lumipat sa Manahat sina
7. Naaman, Ahias at Gera na nanguna sa kanila na siya ring ama nina Uza at Ahihud.
8. Si Saaraim ay nagkaanak sa lupain ng Moab, matapos niyang paalisin ang dalawa niyang asawang sina Husim at Baara.
9. Ito ang mga anak niya kay Hodes: sina Jobab, Sibia, Mesa, Malcam;
10. Jeuz, Sachia at Mirma. Ang mga anak niyang ito ay naging mga pinuno ng kani-kanilang sambahayan.
11. Ang mga anak niya kay Husim ay sina Abitob at Elpaal.