1 Mga Cronica 8:21-37 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

21. Adaya, Beraya at Simrat ay mga anak naman ni Simei.

22. Mga anak naman ni Sasac sina Ispan, Eber, Eliel,

23. Abdon, Zicri, Hanan,

24. Hananias, Elam, Anatotias,

25. Ifdaya at Penuel.

26. Sina Samserai, Seharia, Atalia,

27. Jaaresias, Elias at Zicri ay mga anak naman ni Jeroham.

28. Lahat sila'y kabilang sa listahan ng mga angkan bilang pinuno ng sambahayan at mga pinunong nakatira sa Jerusalem.

29. Si Jeiel ang nagtatag ng bayan ng Gibeon at doon siya nanirahan. Ang asawa niya'y si Maaca.

30. Ang panganay nilang anak ay si Abdon at ang sumunod ay sina Sur, Kish, Baal, Nadab,

31. Gedor, Ahio, Zequer

32. at Miclot, ama ni Simea. Sila'y nanirahang kasama ng kanilang mga kamag-anak sa Jerusalem, katapat ng iba nilang angkan.

33. Si Ner naman ang ama ni Kish na ama ni Saul. Anak ni Saul sina Jonatan, Melquisua, Abinadab at Esbaal.

34. Ang anak ni Jonatan ay si Merib-baal na ama naman ni Mica.

35. Ang mga anak ni Mica ay sina Piton, Melec, Tarea at Ahaz.

36. Anak ni Ahaz si Joada at mga anak naman nito sina Alemet, Azmavet at Zimri, na ama naman ni Moza.

37. Anak ni Moza si Binea na ama nina Rafa, Elasa at Azel.

1 Mga Cronica 8