1. Si Bela ang panganay na anak ni Benjamin, si Asbel ang pangalawa, at si Ahara ang pangatlo.
2. Ang pang-apat ay si Noha, at si Rafa ang panlima.
3. Ang mga anak naman ni Bela ay sina Adar, Gera, Abihud,
4. Abisua, Naaman, Ahoa,
5. Gera, Sefufan at Huram.
6. Ang mga anak naman ni Ehud ang ginawang pinuno ng mga angkang naninirahan sa Geba. Ngunit napilitang lumipat sa Manahat sina
7. Naaman, Ahias at Gera na nanguna sa kanila na siya ring ama nina Uza at Ahihud.
8. Si Saaraim ay nagkaanak sa lupain ng Moab, matapos niyang paalisin ang dalawa niyang asawang sina Husim at Baara.
9. Ito ang mga anak niya kay Hodes: sina Jobab, Sibia, Mesa, Malcam;