1 Mga Cronica 7:21-24 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

21. ama ni Zabad na ama ni Sutela. Anak din niya sina Ezer at Elad na pinatay ng mga taga-Gat nang tangkain nilang nakawin ang kawan ng mga tagaroon.

22. Matagal itong ipinagluksa ni Efraim kaya't inaliw siya ng kanyang mga kapatid.

23. Ngunit naglihi muli ang kanyang asawa, at lalaki naman ang naging anak. Beria ang ipinangalan niya rito dahil sa kasawiang inabot nila.

24. Nagkaanak pa siya ng isang babae at pinangalanan niyang Seera. Ito ang nagtayo ng lunsod ng Beth-horon Ibaba, ng Beth-horon Itaas at ng Uzenseera.

1 Mga Cronica 7