1 Mga Cronica 7:16-21 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

16. Si Maaca na asawa ni Maquir ay nagkaanak ng lalaki, at ito'y pinangalanan niyang Peres. Ang sumunod ay si Seres. Dalawa naman ang naging anak nito, sina Ulam at Requem.

17. Ang anak ni Ulam ay si Bedan. Ito ang mga angkan ni Gilead na anak ni Maquir at apo ni Manases.

18. Ang kapatid niyang babae ay si Hamolequet na ina nina Ishod, Abiezer at Mahla.

19. Ang mga anak naman ni Semida ay sina Ahian, Shekem, Likhi at Aniam.

20. Ito ang mga sumunod na salinlahi ni Efraim: si Sutela na ama ni Bered na ama ni Tahat. Si Tahat ang ama ni Elada na ama ni Tahat. Siya ang

21. ama ni Zabad na ama ni Sutela. Anak din niya sina Ezer at Elad na pinatay ng mga taga-Gat nang tangkain nilang nakawin ang kawan ng mga tagaroon.

1 Mga Cronica 7