1. Ang mga anak ni Levi ay sina Gersom, Kohat at Merari.
2. Ang mga anak naman ni Kohat ay sina Amram, Izar, Hebron, at Uziel.
3. Ang mga anak ni Amram ay sina Aaron, Moises at Miriam. Mga anak naman ni Aaron sina Nadab, Abihu, Eleazar, at Itamar.
4. Anak naman ni Eleazar si Finehas na ama ni Abisua.
5. Anak ni Abisua si Buki na ama ni Uzi.
6. Anak naman ni Uzi si Zerahias na ama ni Meraiot.
54-55. Ang mga lugar na inilaan para sa angkan ni Aaron sa angkan ni Kohat ay ang Hebron sa Juda at ang mga pastulan sa paligid nito. Sila ang binigyan ng unang bahagi ng lupaing itinalaga para sa mga Levita.