1 Mga Cronica 4:3-4-13 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

5. Si Asur na nagtatag ng bayan ng Tekoa ay may dalawang asawa, sina Hela at Naara.

6. Naging anak ni Asur kay Naara sina Ahuzam, Hefer, Temeni at Haahastari.

7. Naging anak naman niya kay Hela sina Zeret, Izar at Etnan.

8. Si Coz ang ama ni Anub at Zobeba, at ng mga angkan ni Aharhel na anak ni Harum.

9. Si Jabes ay higit na marangal kaysa mga kapatid niya. Jabes ang ipinangalan sa kanya sapagkat sabi ng kanyang ina, “Masyado akong nahirapan nang ipanganak ko siya.”

1 Mga Cronica 4