1 Mga Cronica 24:2-28-29 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

2. Sina Nadab at Abihu ay naunang namatay kaysa kay Aaron at wala silang anak kaya sina Eleazar at Itamar lamang ang naging mga pari.

19. Ito ang kaayusan at takdang panahon ng paglilingkod nila sa Templo ni Yahweh ayon sa itinatag ng kanilang ninunong si Aaron, gaya ng utos sa kanya ni Yahweh, ang Diyos ng Israel.

20. Ito ang iba pang mga pinuno ng mga angkan sa lipi ni Levi: si Subael sa angkan ni Amram at si Jehedias sa angkan ni Subael;

21. si Isias na isang pinuno sa angkan ni Rehabias;

22. si Zelomot sa angkan ng Isharita, at si Jahat sa angkan ni Zelomot;

23. sina Jerias, Amarias, Jahaziel, at Jecamiam sa angkan ni Hebron;

24. si Micas sa angkan ni Uziel; si Samir sa angkan ni Micas;

25. si Isias na kapatid ni Micas at si Zacarias sa angkan ni Isias;

26. sina Mahli at Musi sa angkan ni Merari; si Beno sa angkan ni Jaazias;

27. sina Beno, Soham, Zacur at Ibri, mga anak ni Jaazias sa angkan ni Merari.

28-29. Si Mahli ay may dalawang anak, sina Eleazar at Kish. Si Eleazar ay walang anak, ngunit si Kish ay mayroong isang anak, si Jerameel.

1 Mga Cronica 24