1 Mga Cronica 23:13-21 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

13. Mga anak ni Amram sina Aaron at Moises. Si Aaron at ang kanyang mga anak ay ibinukod upang mangalaga sa mga ganap na sagradong bagay habang panahon. Sila ang magsusunog ng mga handog sa harapan ni Yahweh, maglilingkod at magbabasbas sa pangalan ni Yahweh magpakailanman.

14. Ngunit ang mga anak ni Moises, ang lingkod ng Diyos, ay ibinilang na kasama ng mga Levita.

15. Ang mga anak ni Moises ay sina Gershon at Eliezer.

16. Sa mga anak ni Gershon, si Sebuel ang pinuno;

17. kay Eliezer naman ay si Rehabias na kaisa-isa niyang anak na lalaki. Si Rehabias naman ay maraming anak.

18. Sa mga anak ni Izar, na pangalawang anak ni Kohat, si Zelomit ang pinuno.

19. Ang apat na anak ni Hebron ay sina Jerias na pinuno, Amarias, Jahaziel at Jecamiam.

20. Sa mga anak naman ni Uziel, si Micas ang pinuno at si Isias ang pangalawa.

21. Ang mga anak ni Merari ay sina Mahli at Musi. Mga anak ni Mahli sina Eleazar at Kis.

1 Mga Cronica 23