1 Mga Cronica 21:19-22 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

19. Sumunod naman si David sa ipinapasabi ni Yahweh kay Gad.

20. Gumigiik noon si Ornan kasama ang apat niyang anak na lalaki. Nang makita nila ang anghel, nagtago ang mga anak niya.

21. Nakita ni Ornan na dumarating si David, kaya't sinalubong niya ito. Nagpatirapa siya bilang pagbibigay-galang.

22. Sinabi ni David, “Bibilhin ko ang lupang ito para pagtayuan ko ng altar ni Yahweh upang matigil na ang salot na namiminsala sa bayan.”

1 Mga Cronica 21