6. Ang kay Zera naman ay sina Zimri, Etan, Heman, Calcol at Darda. Limang lahat ang naging anak ni Zera.
7. Anak ni Zimri si Carmi. Ang anak naman ni Carmi na si Acan, ang nagdulot ng malaking kapahamakan sa Israel dahil sa paglabag sa utos ng Diyos na may kinalaman sa mga bagay na itinakdang wasakin.
8. Si Azarias naman ay anak ni Etan.
9. Ang mga anak ni Hezron ay tatlo: sina Jerameel, Ram at Caleb.
10. Anak ni Ram si Aminadab na ama ni Naason, isang pinuno sa lipi ni Juda.