1 Mga Cronica 2:48-51 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

48. Kay Maaca, isa pang asawang-lingkod ni Caleb, nagkaanak siya ng dalawa: sina Seber at Tirhana.

49. Naging anak niya rito si Saaf na ama ni Madmana at si Seva na ama naman nina Macbena at Gibea. Ang babaing anak ni Caleb ay si Acsa.

50. Ito ang angkan ni Caleb: si Hur ang panganay na anak niya kay Efrata. Naging anak naman ni Hur sina Sobal na nagtatag ng Lunsod ng Jearim,

51. si Salma na nagtatag ng Bethlehem at si Haref na nagtatag ng Beth-gader.

1 Mga Cronica 2