1 Mga Cronica 2:29-34 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

29. Asawa ni Abisur si Abihail at dalawa ang anak nila: sina Ahban at Molid.

30. Mga anak ni Nadab sina Seled at Apaim. Namatay si Seled na walang anak.

31. Anak ni Apaim si Isi at ang kay Isi naman ay si Sesan na ama ni Ahlai.

32. Ang mga anak ni Jada na kapatid ni Samai ay sina Jeter at Jonatan. Namatay na walang anak si Jeter.

33. Ang mga anak ni Jonatan ay sina Pelet at Zaza. Ito ang mga anak at salinlahi ni Jerameel.

34. Mga babae lamang ang naging anak ni Sesan, ngunit siya'y may aliping Egipcio na Jarha ang pangalan.

1 Mga Cronica 2