1. Ipinasok nila ang Kaban ng Tipan sa toldang inihanda ni David para dito. Nag-alay sila ng mga handog na susunugin at handog pangkapayapaan sa harapan ng Diyos.
2. Matapos makapaghandog, binasbasan ni David ang mga tao sa pangalan ni Yahweh,
3. at binigyan niya ang bawat Israelita ng tinapay, karne at bibingkang may pasas.