1 Mga Cronica 15:23-24-29 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

3. Pagkatapos, tinipon ni David sa Jerusalem ang buong Israel upang dalhin ang Kaban ng Tipan sa lugar na inilaan para dito.

4. Tinipon din niya ang mga mula sa angkan ni Aaron at ang mga Levita:

5. sa angkan ni Kohat, si Uriel at ang 120 kamag-anak na pinamumunuan niya;

6. sa angkan ni Merari, si Asaias at ang pinamumunuan niyang 220 mga kamag-anak;

7. sa angkan ni Gershon ay si Joel at ang 130 kasama niya;

8. sa angkan ni Elizafan, si Semaias at ang 200 mga kamag-anak na kanyang pinamumunuan;

9. sa angkan ni Hebron, si Eliel at ang walumpung kamag-anak niya;

23-24. Sina Berequias at Elkana kasama sina Obed-edom at Jehias ay ang mga bantay sa pinto sa kinalalagyan ng kaban. Ang iihip naman ng mga trumpeta sa harap ng Kaban ng Tipan ay ang mga paring sina Sebanias, Joshafat, Nathanael, Amazias, Zacarias, Benaias at Eliezer.

25. Pagkatapos, si David, ang pinuno ng Israel at ang mga pinuno ng libu-libong kawal ay masayang nagpunta sa bahay ni Obed-edom upang kunin ang Kaban ng Tipan ni Yahweh.

26. Sa tulong ng Diyos, nadala ng mga Levita ang Kaban ng Tipan, kaya't sila'y naghandog ng pitong toro at pitong tupang lalaki.

27. Si David ay nakasuot ng kamisetang yari sa magandang telang lino, gayundin ang mga Levitang may dala sa Kaban, ang mga manunugtog at si Kenaniaz, ang pinuno ng mga manunugtog. Suot din ni David ang isang efod na lino.

28. Ang buong Israel ay kasama nang kunin ang Kaban ng Tipan ni Yahweh. Sila'y nagsisigawan sa galak, hinihipan ang tambuli at trumpeta, at tinutugtog ang pompiyang, lira at alpa.

29. Habang ipinapasok sa Lunsod ni David ang Kaban ng Tipan, si Mical, anak na babae ni Saul ay dumungaw sa bintana. Nang makita niyang si David ay nagsasayaw sa tuwa, siya'y labis na nainis.

1 Mga Cronica 15