1. Nagpagawa si David para sa kanyang sarili ng maraming bahay sa Jerusalem. Naghanda rin siya ng isang lugar para sa Kaban ng Tipan at nagpatayo ng isang tolda para rito.
2. Sinabi niya, “Walang maaaring bumuhat sa Kaban ng Tipan ng Diyos maliban sa mga Levita, sapagkat sila ang pinili ni Yahweh upang magdala ng kanyang kaban at maglingkod sa kanya habang panahon.”
3. Pagkatapos, tinipon ni David sa Jerusalem ang buong Israel upang dalhin ang Kaban ng Tipan sa lugar na inilaan para dito.
4. Tinipon din niya ang mga mula sa angkan ni Aaron at ang mga Levita:
5. sa angkan ni Kohat, si Uriel at ang 120 kamag-anak na pinamumunuan niya;
6. sa angkan ni Merari, si Asaias at ang pinamumunuan niyang 220 mga kamag-anak;
7. sa angkan ni Gershon ay si Joel at ang 130 kasama niya;
23-24. Sina Berequias at Elkana kasama sina Obed-edom at Jehias ay ang mga bantay sa pinto sa kinalalagyan ng kaban. Ang iihip naman ng mga trumpeta sa harap ng Kaban ng Tipan ay ang mga paring sina Sebanias, Joshafat, Nathanael, Amazias, Zacarias, Benaias at Eliezer.