1 Mga Cronica 13:10-14 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

10. Dahil dito, nagalit sa kanya si Yahweh kaya't namatay siya noon din.

11. Nagalit si David dahil pinarusahan ng Diyos si Uza, kaya't ang lugar na iyon ay tinawag na Perez-uza mula noon.

12. Subalit natakot rin si David sa Diyos kaya't nasabi niya, “Paano ko ngayon iuuwi ang Kaban ng Tipan?”

13. Sa halip na iuwi ito sa Jerusalem, dinala niya ang Kaban sa bahay ni Obed-edom na taga-lunsod ng Gat.

14. Tatlong buwan doon ang Kaban. At pinagpala ni Yahweh ang sambahayan ni Obed-edom, pati na ang lahat ng kanyang ari-arian.

1 Mga Cronica 13