1. Narito ang mga lalaking pumunta sa Ziklag at sumama kay David noong siya'y nagtatago kay Saul. Sila'y kilalang mandirigma, kaliwa't kanan kung gumamit ng pana, at asintado sa tirador.
2. Sa lipi ni Benjamin mula sa angkan ni Saul:
3. si Ahiezer, ang pinakapinuno at si Joas ang pangalawa, parehong anak ni Semaa na taga-Gibea; sina Jeziel at Pelet na mga anak ni Azmavet; sina Beraca at Jehu na parehong taga-Anatot;
4. si Ismaias, na taga-Gibeon, isa sa mga pinuno ng Tatlumpu; sina Jeremias, Jahaziel, Johanan at Jozabad na mga taga-Gedera;
5. sina Eluzai, Jerimot, Bealias, Semarias at Sefatias na taga-Haruf;
6. sina Elkana, Isaias, Azarel, Joezer at Jasobeam na buhat sa angkan ni Korah;
7. sina Jocla at Zebadias na mga anak ni Jeroham na taga-Gedor.
8. Sa lipi ni Gad, ang sumama kay David ay mga mahusay na mandirigma at sanay sa paggamit ng sibat at kalasag, mababagsik na parang leon at kung kumilos ay simbilis ng mga usa sa bundok.
9. Ang pinakapinuno nila ay si Eser at ang iba pa ayon sa pagkakasunud-sunod ay sina Obadias, Eliab,
10. Mismana, Jeremias,