1 Mga Cronica 1:47-50 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

47. Pagkamatay ni Hadad, pumalit sa kanya bilang hari si Samla na taga-Masreca.

48. Namatay din si Samla at pinalitan siya ni Saul na taga-Rehobot sa may Ilog Eufrates.

49. Nang mamatay si Saul, pumalit sa kanya bilang hari si Baal-hanan na anak ni Acbor.

50. Namatay si Baal-hanan at pumalit sa kanya si Hadad na taga-lunsod ng Pai. Si Hadad ang asawa ni Mehetabel na anak ni Matred. Si Matred ay anak na babae ni Mezahab.

1 Mga Cronica 1