Zefanias 2:1-6 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

1. Magtipun-tipon kayo at magpulong,bansang walang-hiya!

2. Bago kayo ipadpad na gaya ng ipang tinatangay ng hangin,bago ninyo lasapin ang matinding galit ni Yahweh,bago dumating sa inyo ang araw ng kanyang poot.

3. Manumbalik kayo kay Yahweh, kayong mapagpakumbabá,kayong sumusunod sa kanyang kautusan.Gawin ninyo ang tama at kayo'y magpakumbabá kay Yahweh,baka sakaling kayo'y makaligtassa parusa sa araw na iyon!

4. Walang matitira sa lunsod ng Gaza,at walang matitira sa lunsod ng Ashkelon.Ang mga taga-Asdod ay palalayasin sa katanghaliang-tapat,at itataboy ang mga taga-Ekron.

5. Kahabag-habag kayong naninirahan sa mga baybay-dagat,kahabag-habag kayo, mga Queretita!Ang salita ni Yahweh ay laban sa iyo,O taga-Canaan, lupain ng mga Filisteo;lilipulin kong lahat ang inyong mga mamamayan.

6. At ang baybay-dagat ay magiging pastulan,tahanan ng mga pastol at silungan ng mga kawan.

Zefanias 2