Zacarias 9:12-15 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

12. Kayo, mga bilanggo, na di nawalan ng pag-asa,ay maaari nang bumalik sa inyong lupain.Ang magandang kalagayan ninyo noong unang panahon,ay aking hihigitan at pag-iibayuhin.

13. Binanat ko ang Juda gaya ng isang pana,at ang Efraim naman ang aking panudla.Kayong mga taga-Zion ay aking isasagupalaban sa mga anak ng mga taga-Grecia;gaya ng tabak ng isang mandirigma,sila'y gagawin kong aking sandata.”

14. Si Yahweh ay magpapakita sa kanyang bayan,at ang palaso niya'y parang kidlat na sisibat;trumpeta ng Panginoong Yahweh, kanyang hihipanat sila'y parang ipu-ipong sasalakay sa katimugan.

15. Si Yahweh na Makapangyarihan sa lahat, sa kanila'y mag-iingat;sa pagdumog sa kaaway sila'y di maaawat.Dugo ng mga ito'y kanilang paaagusin,gaya ng mga handog na sa altar inihain.

Zacarias 9