Tobit 9:1-4 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

1. Naalala ni Tobias ang salaping sinabi ng kanyang ama. Kaya't tinawag niya si Rafael at sinabi,

2. “Azarias, ihanda mo ang dalawang kamelyo at kumuha ka ng apat na alipin. Dalhin mo ang kasulatang ito at pumunta kayo sa Rages, sa bahay ni Gabael. Ibigay mo sa kanya ang kasulatan, kunin mo ang salapi at pasamahin mo siya rito. Sabihin mong kailangan ko siya sa pagdiriwang ng aming kasal.

3. Tiyak na naghihintay na ang aking ama. Kahit na isang araw lang akong maantala ay kanyang ikakabalisa.

4. Alam mong hinihiling ni Raguel na huwag muna akong umalis, at hindi ko siya matatanggihan.”

Tobit 9