5. Bumangon nga si Sara, at nanalangin silang dalawa. Ganito ang sabi ni Tobias:“Karapat-dapat kang purihin at pasalamatan, Diyos na sinasamba ng aming mga magulang.Purihin ang iyong pangalan, dakila at banal magpakailanman.Ikaw ay pinupuri ng sangkatauhan, ipinagbubunyi ng buong kinapal.
6. Si Adan ay tao na iyong nilikha, asawa niyang si Eva ikaw ang gumawa.Ibinigay mong katuwang para sa kanya;ang sangkatauha'y sa kanila nagmula.Sinabi mo, ‘Di dapat mag-isa ang tao,’ kaya't ating pagpasyahan,‘Gawin nati'y katuwang na kanyang kalarawan.’
7. Ang pag-aasawang pinasok ko ngayo'ydi udyok ng nasa, kundi'y sa Panginoon,tunay na matapat aking nilalayon, itong aming buhay nawa'y magkaroonng awa mo't lakas sa habang panahon, nang hanggang pagtanda kami'y magkatulong.”
8. Sabay silang nagsabi, “Amen! Amen!”
9. Sila'y natulog pagkapanalangin.Samantala, si Raguel ay bumangon at tinawag ang kanyang mga alipin. Lumabas sila upang humukay ng paglilibingan.
10. “Kailangang gawin ko ito,” sabi ni Raguel, “para tayo'y maligtas sa pangungutya at panlalait kung sakaling mamatay si Tobias.”
11. Nang mayari ang hukay, nagbalik si Raguel sa kanyang asawa at sinabi,
12. “Suguin mo ang isa mong katulong na babae at patingnan kung si Tobias ay buháy pa. Kung patay na, ililibing natin siya nang walang nakakaalam.”
13. Ang katulong na babae ay nagsindi ng ilawan at pumasok sa silid ng bagong kasal. Nakita niyang mahimbing na natutulog ang mag-asawa.
14. Ibinalita agad ng katulong ang kanyang nakita. Sinabi niyang buháy si Tobias at walang anumang masamang nangyari.
15. Dahil doon, pinuri ni Raguel ang Diyos ng kalangitan. Wika niya:“Pinupuri ka namin, O Diyos, buháy sa aming puso.Bayaang purihin ka ng mga hinirang,purihin ka nila magpakailanman.
16. Dahil sa kagalakan ko, kita'y pinupuri,sapagkat hindi nangyari ang aking kinatatakutan;sa halip, lalo mo kaming kinahabagan.