Pati si Edna at si Sara ay napaiyak din.Matapos ang kanilang pagpapakilala't pagkukumustahan, nagpapatay si Raguel ng barakong tupa mula sa kanyang kawan at naghanda ng isang salu-salo. Bago kumain, pagkatapos maligo nina Tobias at Rafael, sinabi ni Tobias sa kanyang kasama, “Kapatid na Azarias, hingin mo na kay Raguel ang kamay ni Sara para sa akin.”